History
Bayan Muna has been in service to the Filipino people in and out of Congress for the past 25 years
Our History
Satur Ocampo during Bayan Muna’s founding congress in 1999
Founded in 1999, Bayan Muna Partylist arose from the urgent need for a political platform that authentically represented the voices of marginalized sectors in the Philippines. At a time of political unrest and economic challenges, the party was formed to advocate for the rights of workers, farmers, indigenous peoples, and other underrepresented groups. Its name, translating to “Nation First,” underscores its commitment to prioritizing collective welfare over individual interests.
From the outset, Bayan Muna has been a formidable presence in Congress, consistently pushing for progressive legislation that addresses critical social issues. The party’s representatives have been at the forefront of numerous legislative initiatives aimed at protecting human rights, advancing workers’ rights, and promoting social justice. Key achievements include anti-corruption measures, land reform, and legislation aimed at increasing access to education and healthcare for marginalized communities.
In addition to its legislative work, Bayan Muna has played a vital role in grassroots mobilization and community empowerment. The party has organized campaigns that raise awareness about pressing social issues and foster community involvement in the political process. By engaging directly with the people, Bayan Muna has been able to advocate effectively for policies that reflect the needs and aspirations of those it represents.
Bayan Muna’s commitment to service extends beyond advocacy; it also provides essential support to communities in need. The party has been active in delivering disaster relief, offering legal aid, and facilitating access to basic services, ensuring that the most vulnerable populations receive the assistance they require. This hands-on approach has strengthened its relationship with constituents and demonstrated its dedication to social justice.
Over the years, Bayan Muna has remained unwavering in its mission to build a just and equitable society. Through its continued fight for the rights and welfare of the Filipino people, the party has become a symbol of hope and resilience, inspiring a new generation of activists and leaders committed to fostering meaningful change in the Philippines.
Representatives in Congress

Crispin “Ka Bel” B. Beltran
2001-2003
Lider Manggagawa, Aktibista
Mula sa pagiging isang lider ng unyon at mga organisasyon hanggang sa pagiging isang mambabatas, kilala si Ka Bel sa kanyang hindi matinag na serbisyo para maitaguyod ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino.
Tagapagtatag ng Amalgamated Taxi Drivers Association noong 1955, dating pangalawang pangulo ng Philippine Workers Congress noong 1956 at ng Confederation of Labor of the Philippines noong 1957, at dating pangulo at isa sa mga tagapagtatag ng Kilusang Mayo Uno (KMU).

Saturnino “Ka Satur” C. Ocampo
2001-2003 | 2003-2004 | 2004-2007 | 2007-2010
Mamamahayag, Manunulat, Aktibista
Isang dating mamamahayag ng Manila Times na naging rebolusyonaryong tumindig laban sa panggigipit at pang-aabuso noong panahon ng batas militar sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Liza L. Maza
2001-2003
Peminista, Aktibista
Kilala bilang tagapagtaguyod ng karapatan ng kababaihan, lalo na ng mga kababaihang biktima ng pang-aapi, karahasan at kahirapan.
Kabilang si Liza Maza sa may-akda at sponsor ng Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at kabilang sa nagsulat ng Anti-Violence in Women and Children Act (Anti-VAWC).

Joel “JV” G. Virador
2003-2004
Human Rights Defender, Aktibista
Isang beteranong tagapagtanggol ng mga karapatang pangtao na dating volunteer ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) mula 1987 at naging Secretary-General ng human rights group na KARAPATAN noong 1995.
Matapos ang termino bilang mambabatas sa ilalim ng Bayan Muna, sumapi ang dating mambabatas sa Kilusang Mayo Uno (KMU) at nagsilbing Regional Chair for Federation Affairs ng KMU Southern Mindanao Region mula 2015.

Siegfred Deduro
2003-2004
Human Rights Defender, Environmentalist
Ang convenor ng Movement Against Tyranny – Panay (MAT) ay dating bilanggong pulitikal noong panahon ng batas militar ng rehimeng Marcos tulad nina Ka Satur at Ka Bel.
Aktibong tinutulan ng dating mambabatas ang pagtatayo ng nuclear plant sa isla ng Semirara, Antique.

Teodoro “Teddy” A. Casino
2004-2007 | 2007-2010 | 2010-2013
Mamamahayag, Manunulat, Aktibista
Kilala bilang isang tanyag na mamamahayag at manunulat, ang taglay na talas na hinubog ng aktibismo magmula nang siya ay nasa apat na sulok ng paaralan pa lamang ang nagdala sa dating mambabatas tungo sa landas ng pulitika at pakikibaka para sa karapatan ng mahihirap at mga mamamayang nasa laylayan ng lipunan.
Kinilala bilang ika-apat sa prolific congressman sa ika-15 na kongreso, ang dating mambabatas ay principal na may-akda ng apat na batas na napakinabangan ng mahihirap at nasa laylayan ng lipunan, may-akda ng 178 panukalang batas at kapwa may-akda ng 376 panukalang batas.

Neri J. Colmenares
2004-2007 | 2007-2010 | 2010-2013
Human Rights Defender, People’s Lawyer, Chess Champion
Lingid sa kaalaman nang nakararami, ang tanyag na abogado ng masa ay isang kampeon sa larong chess at nanalo ng 2nd place sa Palarong Pambansa noong taong 1976.
Pangulo ng National Union of Peoples’ Lawyer (NUPL), ang dating mambabatas na siyang isa sa pinakabatang bilanggong pulitikal at biktima ng tortyur noong panahon ng batas militar, ngayon ay isang batikang abogado sa larangan ng pagtatanggol sa karapatang pantao, impeachment at mga isyung may kaugnayan sa konstitusyon ng Pilipinas.

Carlos Isagani “Kaloi” T. Zarate
2013-2016 | 2016-2019 | 2019-2022
Mamamahayag, People’s Lawyer, Aktibista
Bago maging isang mambabatas ay isang pro bono lawyer at dating mamamahayag na nakaranas ng panggigipit at pananakot sa panahon ng rehimeng Marcos at maging sa administrasyong Cory Aquino.
Habang tinatahak ang landas ng abogasiya, nagpatuloy ang mambabatas sa paglaban para sa karapatan ng mga mamamahayag at naging isa sa pangunahing miyembro ng Union Journalist of the Philippines na ngayon ay kilala bilang National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) sa Mindanao at ng Kapisanan ng mga Manggagawa sa Media ng Pilipinas (KAMPI).

Ferdinand “Ferdie” R. Gaite
2019-2022
Lider-Kawani, Union Organizer, Workers’ Rights Advocate
Dala ng pagkamulat sa tunay na kalagayan ng mamamayan mula noong panahon ng kanyang pagiging lider estudyante noong nasa kolehiyo sa Lyceum of the Philippines University, naging aktibo ang mambabatas sa pag-oorganisa ng mga unyon noong panahon na siya ay empleyado ng Overseas Workers Welfare Agency (OWWA).
Ang mambabatas na pambansang pangulo ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) ay nakatuon sa pagtutulak ng mga panukalang batas na nakapokus sa kapakanan ng mga manggagawa tulad ng pagwawakas ng kontraktwalisasyon at pagkakaroon ng pambansang minimum wage sa pampubliko at pribadong sektor.

Eufemia “Ka Femia” C. Cullamat
2019-2022
Lumad, Magsasaka, Aktibista
Bitbit ang laban ng mga katutubo sa kongreso, ang mambabatas na Lumad ay lumalaban kontra sa panggigipit at pangdarahas ng administrasyong Duterte sa pambansang minorya.
Bilang isang katutubong aktibo sa mga kilusang lumalaban para sa mga karapatan ng kapwa mga katutubo at patuloy na nangangampanya upang protektahan ang mga paaralang Lumad sa Mindanao, ang mambabatas na nagmula sa tribo ng mga Manobo sa kabundukan ng Lianga, Surigao Del Sur ay isa sa mga pangunahing target ng red-tagging ng administrasyong Duterte.